Senator Ejercito, kumbinsido na hindi maaring gawing state witness si Napoles

30

Manila, Philippines – Naniniwala si Senator JV Ejercito na hindi kwalipikado si Janet Lim Napoles para maging state witness.

Kaugnay ito sa kinakaharap niyang kaso at ng iba pang mga mambabatas at opisyal ng gobyerno hinggil sa umanoy pagwaldas sa Priority Development Assistance Fund o PDAF.

Ayon kay Ejercito, bagamat hindi siya abogado ay batid niya na ang dapat maging state witness ay yaong may pinakamaliit na kasalanan o paglabag sa batas.

Punto ni Ejercito, si Napoels ay sinasabing mastermind at binansagan pang pork barrel scam queen kaya malinaw na hindi lang simple ang kasalanan nito.

DZXL558

Facebook Comments