Umaasa pa rin ang mga guro sa pangunguna ng Teachers Dignity Coalition na tutuparin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang pahayag sa ika-apat na State of the Nation Address.
Ayon kay TDC National Chairperson Benjo Basas, hindi sila nabigo sa SONA ng pangulo dahil nabanggit ang hiling nila na dagdag sweldo.
Ang hinihintay nalang anila kung magkano at kung kailan ito ipagkakaloob.
Isasama ng pangulo sa salary standardization law ang nabanggit na dagdag sahod.
Kaya lang mas mataas na sahod ang hiling ng mga guro na 10k pesos across the board increase para sa mga guro at empleyado ng Department of Education.
Facebook Comments