Pagbanggit ni US Ambassador Sun Kim sa MDT, nagbabadya ng sakuna

Nagbabala ang isang dating ambassador at maritime expert na nag-aanyaya ng sakuna ang pagbanggit ni US Ambassador Sun Kim sa Mutual Defense Treaty (MDT) sa harap ng insidente sa Recto bank sa West Philippine Sea.

Sa Pandesal forum sa Quezon City, sinabi ni dating Ambassador Alberto Encomienda na ang maritime incident sa Recto Bank ay hindi mangangailangan ng interbensyon o pakikialam ng US dahil hindi naman ito agresyon o pag-atakeng militar ng China.

Aniya, maaari lamang i-invoke ang MDT kung may unlawful use of force sa panig ng China.


Malisyoso rin aniya na tawaging naval militia ang Chinese fishing vessel dahil nagpainit lamang ito sa sitwasyon.

Aniya, nagbabadya ng pangit na scenario ang pagbanggit ni Kim sa MDT.

Kinampihan din ni Encomienda ang naging pananahinik ni Pangulong Duterte sa kainitan ng isyu.

Tama lamang aniya ang ginawa ng Pangulo dahil wala pang malinaw na code of conduct sa West Philippine Sea (WPS).

Facebook Comments