Nakikita na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang muling pagbangon ng kalakalan at industriya sa Pangasinan matapos padapain ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni DTI-Pangasinan Provincial Director Natalia Dalaten, partikular dito ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs).
Ayon kay Dalaten, balik normal na muli ang operation ngayong kumpara noong mga nagdaang taon kung saan karamihan sa mga negosyo ay limitado ang kapasidad sa pag-o-operate.
Batay sa datos ng DTI, tumaas sa 12.25% ang bilang ng nagparehistro ng kanilang negosyo noong 2022, kumpara sa naitalang 1.86% noong 2021 at 0.22% lamang noong 2020.
Dagdag pa ng opisyal, lumaki sa 15.65% ang bilang ng natulungang MSMEs ng DTI noong nakaraang taon kumpara sa 8.24% lamang noong 2021.