Tinatayang higit kumulang sa P100 milyon na ang naibigay na ayuda ng ARMM Government para sa mga naapektuhan ng kaguluhan sa Marawi City. Kinabibilangan ito ng food at non food items para sa daang pamilyang sibilyang lumikas ayon pa kay ARMM Governor Mujiv Hataman, sa isinagawang Tapatan ngayong umaga sa ARMM Compound.
Kaugnay nito , aminado ngayon ang ARMM Humanitarian Emergency Action Response Team na ubos na ang disaster fund para sa taong 2017, 77 million pesos ang inilaan para sa agarang tulong sakaling may man- made at natural calamities sa rehiyon ,ngunit dahil sa di inaasahang Marawi Crisis naubos na ito noong buwan pa ng July.
Sinasabing matagal ng nagpaabot ng liham sa DSWD Central Office ang ARMM ngunit bigo ang mga ito sa naging kasagutan , sa ngayon, umaasa na lamang ang ARMM Government mula sa kanilang mga partners kabilang ang World Food Programme at ICRC para sa mga donasyon para sa mga sibilyan sa Marawi.
Samantala, pinaplantsa na rin ng ARMM Government ang tulong na kanilang ipagkakaloob para sa rehabilatasyon ng syudad ng marawi at muling pagbangon ng mga residente dagdag pa ni Governor Hataman.
Matatandaang nagsimula ang gulo sa Marawi noong May 23 ng pasukin ang syudad ng mga mga taga sunod ng ISIS Maute,: umabot na rin sa 759 na mga armado ang sinasabing napatay, 11 ang sumuko, 155 ang nasawi mula sa hanay ng gobyerno, 87 mula sa sibilyan maliban pa sa tinatayang 1500 na mga sugatang sundalo at pulis at daang libong pamilyang lumikas. (DENNIS ARCON)
Makakabangon pa kaya ang Marawi City?