Pagbasa ng sakdal kay Senator Leila De Lima, naudlot

Manila, Philippines – Naudlot ang pagbasa ng sakdal kay Senator Leila De Lima, sa kaso hinggil sa umano’y pagkakadawit sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison.

Inilipat ng Muntinlupa RTC branch 205 sa September 15 ang arraignment.

Ito ay matapos na magmosyon ang kampo ni De Lima na bawiin ang kanilang motion to quash para baguhin ito.


Sabi naman ng abogado ni De Lima na si dating Senator Rene Saguisag, ipadedeklara rin nilang may mistrial sa kaso.

Mahihirapan aniyang makapagpasya ang korte kung patuloy na nagsasalita sina Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang opisyal tungkol sa merito ng kaso laban sa kanyang kliyente.

Kasabay nito, binuweltahan ng Senadora ang Pangulo kung saan hindi aniya dapat nangako si P-Duterte na matatapos sa kanyang termino ang pagsugpo sa problema ng droga kung sasabihin nitong hindi na niya kaya.

Binanatan din ni De Lima ang pagkonsinte ni Pangulong Duterte sa pagpatay sa mga drug suspect kasunod na rin ng pagkamatay ng 32 sa Bulacan.

Facebook Comments