Lalaki sa Germany, lumalangoy para makapasok sa kanyang trabaho

Germany – Sino ba namang hindi maiinis kapag na-trap sa napakabigat ng daloy na trapiko.

Aba’y ibahin natin si Benjamin David dahil lumalangoy siya kaysa sa mag-commute sa mga bus o magbisikleta papunta sa kanyang trabaho araw-araw.

Inilalagay ni Benjamin ang kanyang laptop at damit sa isang waterproof bag at bibitbitin niya ito sa kanyang likod habang suot ang wetsuit at slides sa ilog ng Isar.


Ayon kay Benjamin – ito ang pinaka-‘refreshing’ at mabilis na paraan para makapunta sa kanyang trabaho

Aniya, sa loob lamang ng 12 minuto ay nakakarating na siya sa kanyang trabaho.

Pero ginagawa lamang niya ito kapag summer season dahil kapag winter ay umaabot ng 4 degrees celsius ang lamig ng tubig.

Facebook Comments