Minaliit ni Committee on Justice and Human Rights Chairman Senator Francis Tolentino ang ginawang pagbasura ng International Criminal Court (ICC) sa apela ng bansa na suspindihin ang pagpapaimbestiga sa mga kaso ng pagpatay sa drug war ng nakaraang Duterte administration.
Sinabi ng senador na ang apela na ginawa ng Pilipinas ay magalang na paggiit sa soberenya ng bansa.
Ayon kay Tolentino, ang denial ng ICC sa apela ng gobyerno ay wala namang epekto sa kabuuan.
Hindi nito mabibigyan ang ICC ng hurisdiksyon sa bansa dahil sa una pa lang ay wala naman talaga itong kapangyarihan na magpumilit sa kanilang imbestigasyon.
Paalala ni Tolentino sa ICC na dapat nitong kilalanin ang pinakamahalagang sandigan ng international legal order at ito ay ang soberanya.