Hindi makakaapekto sa petisyon laban sa Anti-Terrorism Law ang pagbasura sa kauna-unahang kaso nito na isinampa sa dalawang Aeta.
Ayon kay Atty. Marlon Bosantog, Legal Spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTC-ELCAC), hindi naman ito direktang ibinato sa kanila at hindi rin ito maituturing na normal.
Nabatid na kamakailan, ibinasura ng Olongapo City court ang kaso laban kina Japer Gurung at Junior Ramos dahil sa paglabag sa Anti-Terrorism Act of 2020.
Mayroong 37 petisyon ang Anti-Terror Law na kumukwestiyon sa pagsasabatas nito.
Unang inaprubahan ni Pangulong Duterte ang nasabing batas nitong Hulyo 3, 2020.
Facebook Comments