Pagbasura ng korte sa isa pang drug case ni De Lima, tinanggap ni dating Pangulong Duterte

Welcome kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang pagkakabasura sa isa pa sa dalawang natitirang drug-related cases ni dating Senador Leila de Lima.

Ayon sa kalihim, nangangahulugan lamang ito na gumagana ang demokrasya at ang justice system sa bansa.

Sabi naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin, dapat na respetuhin ang naging desisyon ng hukom dahil tanging ito lamang ang nakaaral sa mga ebidensya.


Samantala, tinanggap ni dating Pangulong Rodrido Duterte ang nasabing desisyong ng korte.

Ayon kay Atty. Salvador Panelo na Presidential Legal Counsel noon ni Duterte, sinabi sa kanyang ng dating pangulo na bilang abogado ay inirerespeto niya ang hatol ng korte kay De Lima.

Pero kasabay nito, nilinaw ni Duterte na hindi siya ang nagpasimuno ng mga kaso laban sa dating senador at hindi siya kailanman nangealam sa anumang desisyon ng executive departments ng kanyang administrasyon.

Facebook Comments