Pagbasura ng Korte sa petisyon na ideklarang terorista ang CPP-NPA, hindi makakaapekto sa kampanya ng pamahalaan sa insurgency

Tiwala ang ilang senador na hindi maka-aapekto sa kampanya ng pamahalaan laban sa insurgency ang pagbasura ng Korte sa proscription case ng Department of Justice (DOJ) na naglalayong ipadeklara ang Communist Party of the Philippines- New People’s Army o CPP-NPA bilang teroristang grupo.

Ayon kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa, ang pagbasura sa kaso ay hindi magiging sagabal sa pagsisikap ng pamahalaan na labanan ang naturang grupo na banta sa ating lipunan.

Nanghihinayang ang senador dahil hindi nagtagumpay ang hangarin na ipadeklarang teroristang grupo ang CPP-NPA.


Magkagayunman, iginagalang ng dating Philippine National Police (PNP) chief ang desisyon ng korte.

Aniya pa, malaking tulong sana sa pagresolba o paglaban sa insurgency kung nadeklarang teroristang grupo ang CPP-NPA.

Facebook Comments