PESO Marikina, bibisitahin ngayong araw ng DZXL Radyo Trabaho

24

Matapos ang ilang beses na Pagkaantala, nakakuha rin tayo ng swak na schedule ngayong Biyernes sa Marikina City Public Employment Service Office (PESO).

Pangungunahan ni DZXL Station Manager Buddy Oberas ang courtesy visit mamayang alas-9:00 ng umaga kay Marikina City PESO Manager Gil Munar.

Ito na ang pang-15 peso sa National Capital Region (NCR) na bibisitahin ng ating grupo.


Samantala, hanggang sa mga oras na ito ay sinusubukan pa rin natin na makakuha ng schedule sa PESO Makati at PESO Navotas, pero hanggang sa ngayon ay hindi pa rin tayo napapaunlakan.

Sa susunod na linggo, panibagong PESO naman sa labas ng Metro Manila ang sunod na pupuntahan ng aming grupo.

Samantala ulitin lang natin, ang DZXL 558 Radyo Trabaho ay naghahanap pa rin ng reporter at news writer.



Maaring magsadya sa aming himpilan sa 4th GCC Mall, Guadalupe Nuevo, EDSA, Makati City o i-send ang kopya ng inyong resume sa radyotrabaho@gmail.com.

Facebook Comments