Pagbasura sa DND-UP accord, posibleng pagpasyahan ng DOJ

Maaaring pagdesisyunan ng Department of Justice (DOJ) ang pagtapos sa kasunduan sa pagitan ng University of the Philippines (UP) at Department of National Defense (DND).

Ito ay may kinalaman sa pagbabawal sa puwersa ng gobyerno na pumasok sa UP campuses.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang nagpapatuloy na sigalot sa pagitan ng UP at ng DND hinggil sa kanselasyon ng 1989 agreement ay posibleng mauwi sa administrative adjudication ng DOJ.


Pero sinabi ni Guevarra na masyado pang maaga para magkomento ang Department of Justice hinggil sa usapin.

Nabatid na idinahilan ng DND ang patuloy na recruitment ng New People’s Army (NPA) sa mga estudyante kung bakit ibinasura ang kasunduan.

Facebook Comments