Manila, Philippines – Idudulog ngayong Linggo sa Korte Suprema ang pagkakabasura ng House Justice Committee sa kanilang impeachment complaint laban kay Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista.
Ayon kay Atty. Manuelito Luna, legal counsel ng Volunteers Against Crime and Corruption, nagkaroon ng grave abuse of discretion ang komite.
Aniya, hindi tama ang pagbasura ng komite sa naturang reklamo.
Maliban rito, pinuna rin ni Luna ang pagdalo ni House Majority Rodolfo Fariñas sa pagdinig ng komite.
Giit ni Luna, sinadya ni Fariñas na dumalo para maimpluwensiyahan ang ibang kongresista sa pagboto.
Facebook Comments