Senator Lacson, magsasampa ng economic sabotage laban kay dating Customs Commissioner Faeldon

Manila, Philippines – Maghahain ng kasong Graft at Economic Sabotage si Senator Panfilo Lacson laban kay dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon ngayong Linggo.

Ayon kay Lacson, may sapat siyang ebidensya na makakapagsuporta sa mga kaso na kanyang isasampa laban kay Faeldon.

Kabilang na rito aniya ang paglabag ni Faledon sa Republic Act No. 3019 o ang Anti-Graft And Corrupt Practices Act at Republic Act No. 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.


Aniya, pinag-aaralan rin nila ang mga posibleng maging palusot ni Faeldon sa kaso.

Facebook Comments