Para kay Senate President Tito Sotto III, dapat irekonsidera ng gobyerno ang pagbasura sa 22-taon nang Visiting Forces Agreement o VFA sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon kay Sotto, ito ay kapag ipinasa ng US Congress ang panukalang batas na nagpapasuspinde sa pinagkakaloob na security assistance sa ating bansa dahil sa isyu ng umano’y paglabag sa karapatang pantao.
Giit ni Sotto, ano pang silbi ng VFA kapag inaprubahan ng US Congress ang naturang panukalang batas na puputol sa suporta ng Amerika sa ating pulis at militar.
Magugunitang noong Pebrero ay isinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbasura sa VFA makaraang kanselahin ang US passport ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa.
Pero ang proseso sa pag-terminate dito ay pinasuspinde muna ni Pangulong Duterte.