Wanted person, huli matapos kumuha ng police clearance

38

Huli ang isang matagal nang pinaghahanap ng batas matapos kumuha ng police clearance sa Quezon City Police District Galas Police Station.

Kinilala ni QCPD Director, Police Brigadier General Ronnie Montejo ang wanted person na si Julius Michael Trinidad, 25 at nakatira sa Brgy. San Isidro.

Nag “hit” sa system ng pulisya ang pangalan ni Trinidad na kabilang pala sa “Top 5 Wanted Persons” sa mga isinagawang anti-criminality operations sa Quezon City kung saan kabilang sa kaniyang kaso ang paglabag sa City Ordinance na pag-iinom sa kalsada.

Pinaghahanap si Trinidad dahil ihaharap sana kay Presiding Judge Analie Oga-Brua ng MTC, Branch 41.

Facebook Comments