Naniniwala ang Malacañang na ang planong pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa Estados Unidos ay makatutulong para maihatid ang katarungan sa pagkakapaslang sa transgender na si Jennifer Laude.
Nabatid na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang termination ng military deal sa Estados Unidos dahil sa pangingialam nito sa internal affairs ng Pilipinas ngunit sinuspinde ang pagpatutupad nito sa loob ng anim na buwan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pagpatay kay Laude ay maituturing na pagpatay sa soberenya ng Pilipinas.
Iginiit din ni Roque na hindi dapat makalaya si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton habang hindi nareresolba ang motion for reconsideration sa korte.
Ang desisyon ay isang “judicial overreach” matapos bigyan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) credits.
Bago ito, ipinag-utos ng Olongapo City Court ang pagpapalaya kay Pemberton na convicted dahil sa pagpatay kay Laude noong 2014.