Pagbatikos kay Pangulong Duterte sa unang taon ng termino, hilaw pa ayon sa acting governor ng Cebu

238

Cebu – Hilaw pa kung pangunahan at batikusin si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang performance sa unang taon na panunungkulan sa gobyerno.

Ito ang inihayag ni Acting Governor Agnes Magpale.

Ayon kay Magpale na sang-ayon siya sa pahayag ng Pangulo na dapat pagkatapos nalang ng kaniyang termino sa 2022, husgahan si Duterte kung nagawa ba nito ang kanyang mga pangako sa kanyang pag-upo sa Malacanang.


Sinabi ni Magpale na natural lang na ang unang taon sa Duterte administration, mapuna ang intensyun at plano ng Presidente para pagpapatakbo ng bansa at hindi kaagad makikita ang resulta.

Ngunit pinuri ni Magpale ang kampanya ni Duterte laban sa iligal na droga at ang kampanya nito upang magsugpo ang kreminalidad sa bansa.

Facebook Comments