Pagbatikos ng oposisyon sa administrasyong Duterte, inaasahan na ng Malakanyang matapos ang pagpapaaresto kay DDS self-confessed hitman Edgar Matobato

Manila, Philippines – Inaasahan na ng Malakanyang ang pagbatikos ng oposisyon sa administrasyong Duterte.

 

Ito ay matapos ang pagpapalabas ng court order arrest ng regional trial court 4 sa Panabo City, Davao Del Norte laban sa Davao Death Squad self-confessed hitman na si Edgar Matobato.

 

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, si Matobato ay isang self-confessed assassin at kidnapper.

 

Naniniwala rin si Abella na kahit mahaba ang proseso ng paglilitis sa bansa, kalaunan naman ay mangingibabaw ang katotohanan at makakamit ang hustisya.



Facebook Comments