Pangulong Rodrigo Duterte – nanguna sa mass oath t aking ng appointed government officials at ng Philippines Councilor League; European union at Estados Unidos – muling binakbakan

123

Manila, Philippines –  Muling binakbakan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang European Union at Estados Unidos.

 

Sa pangunguna sa mass oath taking ng 300 Appointed Government Officials at ng Philippne Councilor League sa Malacañang – tinawag ni Pangulong Duterte ang EU na hipokrito dahil sa kanilang kritisismo sa kanyang kampanya kontra droga.

 

Maging ang pananakop ng Amerika sa Middle East ay hindi rin pinalampas ng Pangulo.

 

Kinastigo din ng Pangulo ang ilang taga-media at simbahan kung saan hinamon nito kaugnay sa usapin ng kanyang tagong yaman na halungkatin ang lahat dahil bukas sa publiko ang kanyang buhay.

 

Una nang tiniyak ng Pangulo sa mga Appointed Government Officials at ng Philippine Councilor League na sinisikap niyang tuparin ang lahat ng kanyang ipangako noong panahon ng kampanya.



Facebook Comments