Manila, Philippines – Hindi pagiging double standard ang pambabatikos ni
Pangulong Rodrigo Duterte kay Sen. Leila De Lima dahil sa pakikipagrelasyon
nito sa kanyang driver bodyguard na si Ronnie Dayan.
Kasunod ito ng pagbibiro ng Pangulo tungkol sa pambababae ng ilang opisyal
ng pamahalaan.
Paliwanag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, binatikos si De Lima
dahil ang naging relasyon nito ay may kinalaman sa pagtanggap ng pera mula
sa mga drug lords.
Giit ni Abella, hindi isyu dito ang pagiging double standard, dahil
nananatiling isyu ang pagkakasangkot ni De Lima sa kalakalan ng iligal na
droga.
Nag-ugat ang isyu na nang aminin sa publiko ni House Speaker Pantaleon
Alvarez na may girlfriend siya, kahit na kasal pa ito sa dati niyang asawa
na si Emilita Apostol Alvarez.