Pagbawas sa bilang ng mga nagugutom sa Pilipinas, nananatiling prayoridad ng Administrasyong Duterte

Nananatiling prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabawasan ang bilang ng mga nagugutom sa Pilipinas.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, bagama’t bigo ang pamahalaan na makapagsagawa ng pinalawak na National Nutrition Survey nitong 2020 dahil sa COVID-19 pandemic, gagawa pa rin sila ng paraan upang isagawa ito.

Sa pamamagitan ito ng paggamit ng datos mula sa Social Weather Stations (SWS) kung saan ang resulta ng survey ang gagawing gabay para masolusyunan ang kagutuman sa bansa.


Nabatid na sa survey nitong November 2020, lumabas na bumaba sa 16 percent mula sa 30 percent ang bilang ng mga nagugutom sa Pilipinas na naitala sa buwan ng Septyembre.

Sa ngayon, Inirekomenda ng Department of Agriculture (DA) kay Pangulong Duterte na ipatupad ang tigil-galaw ng presyo baboy at manok sa gitna ng pagtaas ng presyo nito sa Metro Manila.

Facebook Comments