Pagbawas sa pasanin ng mga Pilipino dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, patuloy na tinututukan ng gobyerno

Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) na nakatutok ang kanyang administrasyon sa mga solusyon o paraan para kahit papaanoy mabawasan ang paghihirap ng mga Pilipino.

Ito ay sa harap na rin nang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa global crisis.

Sa isang video message, sinabi ng pangulo na tumaas man nang hanggang 8 percent ang inflation rate nitong nakalipas na Nobyembre.


Mayroon naman daw kasabay na mas magandang balita, ito ay ang pagbaba ng unemployment rate amula sa 5 percent noong Setyembre ay 4.5 percent na lamang nitong October.

Mababa raw ito kung ikukumpara nang nakaraang taon sa kaparehong buwan na umabot sa 7.4 percent ang unemployment rate sa bansa.

Kaya naman kahit papaano ayon sa pangulo, malakas ang kanyang loob na hindi magkakaroon ng recession o patuloy na pagbaba ng economic activity sa Pilipinas ito ay dahil masyado raw mababa ang unemployment rate.

Kaya naman ipagpapatuloy raw ng Marcos administration ang pagpapababa pa ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho.

Kaugnay nito nangako rin ang pangulo sa mga Pilipino na gagawin niya ang lahat ng paraan para pababain o pabagalin man ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Facebook Comments