Pagbawi ng Martial Law sa Mindanao, suportado ni VP Leni

Suportado ni Vice President Leni Robredo ang pagbawi ng Martial Law sa Mindanao bago magtapos ang taon.

Ayon kay Robredo, ang pagbibigay ng seguridad ay hindi lang trabaho ng militar at ng gobyerno, ito ay responsibilidad ng lahat.

Kailangan ding magkaroon ng matibay na partisipasyon dito ang pribadong sektor.


Bago ito, inirekomenda na ng militar at pulisya na hindi na palawigin pa ang batas militar sa rehiyon base na rin sa kanilang Security Assessment.

Ang Mindanao ay nasa ilalim ng Martial Law mula pa noon May 2017 kasunod ng pag-atake ng Maute Terror Group sa Marawi City.

Facebook Comments