Suportado ni Senate President Tito Sotto III ang pagbabago ng posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isinusulong na pagsasalegal ng medical marijuana sa bansa.
Noong biyernes, matatandaang sinabi ng pangulo na napagtanto niyang posibleng abusuhin lang at gamiting dahilan ang medical marijuana para lumala ang problema sa iligal na droga sa bansa.
Ayon kay Sotto, sa simula pa lamang ay may hinala na siyang baka mga sindikato rin ng droga ang nagtutulak sa legalisasyon ng medical marijuana.
At sakaling maging legal, posibleng mas maging kumplikado pa aniya ang kampanya ng administrasyon kontra illegal drugs.
Si Sotto ay kilalang anti-illegal drug advocate at naging pinuno rin ng dangerous drugs board.
Facebook Comments