Dating PCSO GM Alexander Balutan, posible pang kasuhan ng pamahalaan

Matapos sibakin, posible pang kasuhan ng pamahalaan si Dating Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan.

 

Sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kapag may nakitang ebidensya ay hindi pwedeng hindi makasuhan ang dating opisyal.

 

Mismong si Pangulong Duterte na aniya ang nagsabi na hindi niya palulusutin ang anumang uri ng katiwalian sa ilalim ng kanyang administrasyon.


 

Nauna nang sinabi ni Senador Ping lacson na malala ang katiwalian sa PCSO partikular na sa operasyon ng Small Town Lottery (STL).

 

Sa mga nagdaang pagdinig sa senado ay nakitang nalugi ang pamahalaan sa stl makaraang kuning partner ng pcso ang sinasabing mga dating gambling lords.

 

Kahit si Lacson ay nagtataka kung bakit sumabit sa katiwalian ang dating heneral.

 

Una rito, sinabi ng kampo ni Balutan na nagbitiw ito sa posisyon pero kinumpirma ng malacanang ang pagsibak sa kanya ng pangulo.

Facebook Comments