Thursday, March 19, 2026

Pagbawi ni PBBM sa nakatakda sanang fare hike sa ilang pampublikong transportasyon ngayong araw, hindi solusyon ayon sa ilang grupo ng komyuter

Nininiwala ang ilang commuter group na hindi solusyon ang ginawang pagbawi ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa nakatakda sanang taas-singil sa pamasahe ngayong araw.

Ayon kay Nanoy Rafael, Convenor ng Para Commuters Network, ang naging desisyon ng gobyernong Marcos ay magpalala lamang aniya krisis sa transportasyon dulot ng patuloy na pagtaas ng langis.

Dagdag pa niya na sa halip na tugunan ang hinain ng mga tsuper dahil sa mababang kita at komyuter manggagawa sa mababang sahod at nataas na presyo ng pangunahing bilihin ay para sa kanila ay walang sulusyon ang pamahalaan.

Dagdag pa ni Rafael na nanghihingi ang Pangulo ng emergency power para sa wala.

Facebook Comments