Naniniwala ang Department of Labor and Employment (DOLE) na malabo pang tuluyang bawiin ang suspensyon ng pagpapadala ng health workers sa ibang bansa.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, hindi siya pabor sa total lifting ng deployment ban lalo na sa sitwasyong kinahaharap ng bansa.
Dagdag pa ni Bello, hindi niya irerekomenda ito sa Inter-Agency Task Force (IATF) lalo na apektado pa rin ang bansa ng COVID-19.
Katuwiran ni Bello, sakaling tumaas ang contamination ng virus sa bansa ay sino na ang mag-aalaga sa mga pasyente kung ang lahat ng healthcare workers ay mangingibang bansa.
Nitong Abril nang ipatupad ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang deployment ban para sa mga piling health workers.
Ipinag-utos naman ng IATFang exemption mula sa deployment ban ng healthcare workers na mayroong nilagdaang kontrata mula noong March 8.
Inendorso naman ng DOLE na payagan ang deployment ng healthcare workers na mayroong kontrata mula noong August 31 sa IATF kasunod ng apela ng mga nurses at iba pang medical workers.