Patuloy na pinag-aaralan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagbawi sa open-pit mining ban.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sumang-ayon sina Pangulong Rodrigo Duterte at Environment Secretary Roy Cimatu na dapat mag-‘reinvent’ ang minahan sa paraang ito ay sustainable at hindi nakakasira sa kalikasan.
Binanggit din ni Roque na tutol si Pangulong Duterte sa open-pit mining dahil sinisira nito ang lupa at ang kapaligiran.
Matatandaang naglabas ng Department Order si dating Environment Secretary Gina Lopez na ipagbawal ang open-pit method sa pagkuha ng copper, gold, silver at iba pang complexores noong 2017, at itinaguyod ito ni Cimatu.
Facebook Comments