McDonald’s, tiniyak na nakipag-ugnayan sila sa mga LGU at barangay kasabay ng paglulunsad ng BTS Meal

106

Tiniyak ng McDonald’s Philippines na magiging maayos ang paglulunsad ngayong araw ng BTS Meal.

Ayon kay Mcdonald’s Philippines Assistant Vice President for Marketing and Channels Oliver Rabatan, nakipag-coordinate sila sa mga Local Government Unit (LGU) at barangay para matiyak ang kaligtasan ng mga customer, crew members at delivery personnel.


Nakahanda na ang kanilang kitchen para tumanggap ng mataas na demand ng order.

Sinabi naman ni BTS Meal Project Lead Ashley Santillan, nagpakalat na sila ng kinakailangang protocol para sa lahat ng crew at branches.

Ang lahat ng store ay may queuing system, health declaration forms at no touch policy.

Facebook Comments