Iginiit ni senador Sherwin Gatchalian ang pagpapanagot sa mga generation companies dahil sa naitalang pagkalugi ng mga consumers kasunod ng naganap na brownout sa Luzon.
Ayon kay Gatchalian, dapat abonohan ng mga generation companies ang nawalang kita ng mga consumer dahil hindi planado ang nangyari.
Sa ngayon, paliwanag ni Gatchalian ay wala pang kahaharaping parusa mula sa gobyerno ang mga naturang kompanya ngunit ito ay isinasapinal na.
Matatandaang una nang nag-isyu ang Energy Regulatory Commission (ERC) ng notice ng non-compliance sa 17 generation companies dahil sa pagkabigo ng mga itong mapangasiwaan ng maayos ang lagay ng kuryente sa bansa.
Facebook Comments