Pagbawi sa pagpapatigil ng operasyon sa Angkas at iba pang motorcycle taxis, good development ayon sa ilang Kongresista

Welcome para sa mga kongresista ang resolusyon ng House Committee on Transportation na ituloy ang pilot study ng Angkas at ng ibang motorcycle taxis habang binabalangkas pa ang batas para maging legal ang kanilang operasyon.

 

 

 

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, good development ito para sa libu-libong commuters at drivers na ang kabuhayan ay nakadepende na sa motorcycle taxi at ito na ang pinipiling alternative mode para sa mabilis na byahe.

 

 

 

Sinabi naman ni PBA Partylist Rep. Jericho Nograles na sa ginawang pagkakasundo ng Transportation Committee, DOTR, LTFRB at mga namumuno sa motorcycle taxi groups ay tiyak na humupa na ang kanilang pangamba na tatapusin na ang kanilang operasyon.


 

 

 

Dagdag pa ni Zarate, ang motorcycle taxi ay tinatangkilik ng marami dahil na rin sa kawalan ng efficient, abot-kaya at state-controlled mas transportation sa bansa.

 

 

 

Sa naging desisyon kanina ng komite ay hindi muna huhulihin ang mga motorcycle taxis habang binubuo at tinatapos pa ang batas para dito.

 

 

 

Bukod dito, inalis na rin ang limit sa cap o bilang ng Angkas riders mula sa 30,000 ay maaari itong itaas pa sa 45,000 at pinapayagan na rin ang pilot service nito sa Metro Cebu at Cagayan de Oro.

 

 

 

 

Facebook Comments