Bahala na ang korte na magpasya kaugnay sa pansamantalang paglaya ng mga consultant ng National Democratic Front na umuupong miyembro ng panel sa usapang pangkapayapaan sa gobyerno. Tugon ito ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kaugnay sa plano ng NDF na hilingan sa mga hukuman ang pagpapalawig sa bisa ng pyansa para sa kanilang mga kasamahan na may nakabinbing mga kaso na kasama sa peace talks. Ngayong Pebrero na kasi magpapaso ang anim buwan na panahon na ibinigay ng korte para sa pansamantalang paglaya ng mga akusadong myembro ng NDF peace panel. Kabilang na rito ang mag-asawang sina Benito at Wilma Tiamzon na dating nakakulong sa PNP Custodial Center dahil sa kasong multiple murder na kanilang kinakaharap sa Manila Regional Trial Court dahil sa natuklasang mass grave sa Leyte nuong 2006. Sa isang statement mula sa NDF, ang lahat ng 17 nilang consultant na nakakalaya dahil sa pyansa ay nakabalik na sa Pilipinas mula sa Rome, Italy at hindi sila nagtatago.
Pagbawi Sa Pansamantalang Kalayaan Ng Mga Ndf Consultant, Ipinauubaya Na Ng Doj Sa Korte
Facebook Comments