Nirerespeto ng Malakanyang ang desisyon ng National Telecommunications Commission (NTC) na bawiin ang television at radio frequencies ng ABS-CBN Corporation.
Sa isang text message sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na iginagalang nila ang desisyon ng NTC bilang ito ay isang quasi-judicial body.
Nabatid na kawalan pa rin ng congressional franchise ng media giant ang ginamit na basehan ng NTC.
Kabilang sa pinababawi ay ang lahat ng AM at FM stations at mga TV channels ng ABS-CBN.
Facebook Comments