Sa gitna ng mga umiiral na lockdown, mas marami ngayon ang naging interesado sa pagbe-bake o kaya naman sa pagiging entrepreneurs.
Kaya naman sa interview ng Business as Usual ng Usapang Trabaho sa Radyo Trabaho, ibinahagi ng owner at founder ng Bailiwick Academy na si Marie Grace Parazo na halos dumoble pa ang bilang ng kanilang mga estudyanteng gustong matutong mag-bake mula noong nakaraang taon.
Ayon kay Marie Grace, mas madali kasi ang ganito lalo na’t online at sa pamamagitan ng videos ay natututo ang kanilang mga estudyante kung saan hawak pa nila ang kanilang oras.
Pero bukod sa baking at pagluluto, mayroon ding course ang Bailiwick Academy para sa music, mobile food photography at tamang pag-market ng mga produkto.
Natutulungan din aniya ng Bailiwick Academy ang kanilang mga estudyante na magkaroon ng kumpiyansa lalo na sa pagbe-bake at maging creative sa mga ginagawang pastries.