Pagbebenta ng Chinese flag sa Luneta Park iniimbestigahan ng PNP

Inaalam ngayon ng Philippine National Police kung seryoso o lokohan lamang para magpasikat sa social media ang ginawang pagbebenta ng Chinese Flag sa Luneta Park sa lungsod ng Maynila.

 

Ito ay matapos na makunan ng litrato at ipost sa social media ang mga larawan ng pagbebenta ng Chinese flag sa Luneta Park dahil sa selebrasyon ng Filipino-Chinese Friendship Day.

 

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, aalamin nila ang totoong purpose ng pagbebenta ng mga Chinese flags sa Luneta kung saan makikita ang bantayog ng pambansang bayani Dr. Jose Rizal.


 

Aniya pa inatasan nya na rin ang Manila Police District na magsagawa ng pagiimbestiga.

 

Ilan sa komento ng netizen sa larawan ng pagbebenta ng chinese flags sa Luneta Park ay sinabing “hindi ito pwede dahil nawawala ang identity ng bansa sa mismong harap ng Rizal Monument.

 

Ang bansa ay nagdiriwang ng  National Flag Days na nagsimula noong May 28 hanggang June 12.

 

Pero kakaiba ayon kay Dating Congressman Ruffy Biazon dahil may nagbebenta ng foreign flag sa mismong Luneta Park.

Facebook Comments