Viral na bentahan ng Chinese flag sa Luneta, ‘scripted at peke’ – NPDC

299

Tinawag ng National Parks Development Committee na peke at scripted ang nag-viral na umano’y bentahan ng Chinese flags sa Luneta Park, Linggo.

Ayon sa NPDC, ang mga naturang nagtitinda ay binayaran umano para mag-pose na kunwaring nagbebenta ng Chinese flags.


Iginiit ng mga nahuling nagtitinda na napag-utusan lamang daw sila ng isang grupo ng mga lalaki na nagsabing para ito sa proyekto.

Kinumpirma naman umano ito ng CCTV footage ng NPDC kung saan naaktuhan ang tatlong lalaki na nagbayad sa mga nagpanggap na tindero, at binawi ang mga flag pagtapos.

Ani NPDC Executive Director Penelope Belmonte, gawa ito ng mga taong gustong isabotahe ang pagdiriwang ng Independence Day ng bansa.

Patuloy naman pinaghahanap ng awtoridad ang tatlong lalaki na nasa likod ng insidente.

Facebook Comments

From Advertisers