Mahigpit na ipinagbabawal sa Lungsod ng Maynila ng pagbebenta ng COVID-19 vaccine.
Ito ang nakasaad sa nilagdaang ordinansa ni Manila Mayor Isko Moreno.
Ayon kay Mayor Isko, layon ng ordinansa na maprotektahan ang publiko mula sa mga organisasyon, institusyon at ilang indibiwal na magtatangkang gawing negosyo ang pagbabakuna ngayong pandemya.
Paliwanag ng alkalde ang mga ganitong gawain aniya ay hindi katanggap-tanggap sa panahong ito ng public health emergency.
Sa ilalim ng ordinansa, maaaring mabilanggo. hanggang 6 na buwan at mapagmulta ng 5-libong piso ang mga lalabag rito.
Kung ito naman ay korporasyon o iba pang entity, nagbabala ang alkalde na matatanggalan sila ng business license at hindi na papayagang makapagnegosyo sa Maynila.
Tiniyak ng alkalde ang mahigpit na monitoring ng lokal na pamahalaan para masigurong walang makakalusot na mapagsamantalang negosyante.
Dagdag pa ni Mayor Isko, hindi pwedeng ipwersa, salary deduction, ibenta o baka palusutan tayo o yung tinatawag na adminstrative cause ang bakuna sa Maynila.
Ang nasabing ordinansa ay magiging epektibo sa lalong madaling panahon.