Pagbebenta ng COVID-19 vaccines, mahigpit pa ring ipinagbabawal

Nababahala ang National Task Force (NTF) Against COVID-19 sa lumabas na ulat na nagkakaroon ng pagbebenta ng bakuna kontra COVID-19.

Sa isang pahayag, sinabi ng task force na nakarating na sa kanila ang mga screenshot ng mga umano’y pagbebenta ng COVID-19 vaccines at vaccination slots sa ilang Local Government Units.

Nabatid na nagkakahalaga ng ₱8,000 hanggang ₱12,000 ang bawat slot kung saan binanggit dito ang mga lungsod ng San Juan at Mandaluyong.


Paliwanag ng NTF, libre para sa lahat ng kwalipikado ang COVID-19 vaccines at sa ngayon ay wala pang pahintulot na magbenta ng mga ito lalo na’t kaunti pa lamang ang supply sa bansa.

Facebook Comments