Pagbebenta ng loose firearms sa online, mino-monitor na rin ng PNP

Inutusan na ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Guillermo Eleazar ang PNP Anti-Cybercrime group (ACG) na mahigpit na tutukan ang umano’y pagbebenta online ng mga loose firearms.

Ito ay matapos na madiskubre na batay sa inisyal na imbestigasyon, ang mga nakumpiskang piyesa ng armas sa isang warehouse sa Bulacan kamakailan ay ina-assemble at binebenta sa online platforms sa mga private armed group.

Sinabi ni PNP chief, ang mga piyesa ay mula sa mga lumang armas ng pulis at militar na hindi nadispatsa nang maayos.


Karamihan sa mga ito ay piyesa ng caliber .50 at M16 rifles.

Nakikipagtulungan na rin ang militar sa PNP para tukuyin ang pinanggalingan ng mga piyesa.

Matatandaang ipinag-utos ni Eleazar na paigtingin ang kampanya laban sa loose firearms para hindi magamit ang mga ito sa paggawa ng karahasan sa darating na halalan.

Facebook Comments