Pagbebenta ng mga alcoholic drink, pinagbabawal na

Manila, Philippines – Ipinagbabawal na ang pagbebenta ng mga alcoholic drink sa mga tindahan sa Brgy. Loyola Heights sa Katipunan, Quezon City.

Sa joint resolution ng barangay at stake holders ng Loyola Heights, nakasaad na hindi na maaaring magbenta ng alak ang mga establisyimento na nasa Esteban Abada Street at Xavierville sa Katipunan.

Layon ng hakbang na proteksyunan ang mga estudyante at menor de edad lalo na’t maraming eskwehalan sa nasabing lugar.


Umalma naman ang mga may-ari ng establisyimento kung saan iginiit nila na sa mga menor de edad lamang dapat maghigpit sa pagbebenta ng alak.

Facebook Comments