Pagbebenta ng mga nakumpiskang smuggled na asukal sa Kadiwa stores, papayagan ng DA

Sinang-ayunan ng Department of Agriculture (DA) ang rekomendasyon ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na ibenta sa Kadiwa stores ang mga nasabat na smuggled na asukal.

Tinutukoy dito ng ahensya ang 4,000 metric tons na puting asukal mula Thailand na nasabat sa Batangas Port kamakailan.

Ayon kay DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez, hindi na kailangan ng phytosanitary certificate para sa mga nasabat na asukal kundi import permit na lang mula sa SRA.


Naipaalam na rin aniya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang rekomendasyong ito ng SRA habang susulatan din nila ang Department of Finance hinggil dito.

Kapag natapos na ang protocol ay pwede na aniya itong dalhin sa mga Kadiwa centers at posibleng maging sa mga palengke upang sa halip na masayang ay mapakinabangan pa ng mga mamimili.

Facebook Comments