Pagbebenta ng mga Paputok sa Palengke, Mahigpit na Babantayan ng PNP Santiago City!

Cauayan City, Isabela- Lalong pinaigting ng hanay ng kapulisan sa Lungsod ng Santiago ang kanilang pagbabantay lalo na sa mga nagbebenta ng firecrackers.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj Reynaldo Maggay, hepe ng PNP Station 1 ng Santiago City Police Office (SCPO), nakipag-ugnayan na sila sa mga vendor ng paputok na maging responsable sa kanilang pagbebenta maging sa palengke na huwag magbenta ng mga iligal na paputok.

Sa kanilang pag-inspeksyon sa mga firecracker vendors ay wala naman anya silang nakikita na mga ipinagbabawal na paputok.


Nananatili pa rin sa Four lanes, Brgy. Malvar, Santiago City ang itinalaga para sa firecracker zone area.

Sa ngayon ay naka -full alert status pa rin ang buong hanay ng SCPO para sa pagbabantay ngayong bisperas ng pasko.

Facebook Comments