Ruffa Gutierrez at dating asawang si Yilmaz Bektas, muling nagkakamabutihan

1638

Inamin ng beauty queen turned actress na si Ruffa Gutierrez na ‘in good terms’ na ulit sila ng dating asawang si Yilmaz Bektas.

Ayon kay Ruffa, nagkaroon muli sila ng komunikasyon ng dating asawa kung saan napag-usapan nila ang co-parenting style para sa dalawang anak na sina Lorin at Venice.


Kwento pa ni Ruffa, hanggang ngayon daw ay siya pa rin ang greatest love ni Yilmaz pero giit ng aktres na dadaan muna sa step by step process ang muli nilang pagkakamabutihan.

Sa ngayon, uunahin daw muna ni Ruffa ang kaniyang sarili at ang kanyang dalawang anak.

Facebook Comments