Posibleng ipatigil ng Department of Finance (DOF) ang pagbebenta online ng mga sigarilyo at nakakalasing na inumin.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, bunsod ito ng pagtaas ng bilang ng mga menor-de-edad na bumibili ng sigarilyo at alak sa pamamagitan ng pag-order online.
Nakipag-ugnayan na rin ang DOF sa isa sa pinakamalaking online platform sa bansa para pagpaliwanagin ito, kung saan tinatayang bundle-bundle ng mga sigarilyo ang nabibili ng mga kabataan na 40 to 50% off pa ang presyo.
Nabatid na una nang bumaba ang excise tax collections sa sigarilyo at alak mula Enero hanggang Mayo dahil sa limitasyon ng pagbiyahe ng mga non-essential item.
Facebook Comments