PAGBIBIGAY BABALA NG LGU MANGALDAN KAUGNAY SA MAGKASUNOD NA PAGKALUNOD SA ANGALACAN RIVER, PINAIGTING

Puspusan ngayon ang paghihigpit ng LGU Mangaldan sa publiko kaugnay sa dalawang magkasunod na insidente ng pagkalunod sa Angalacan River sa bayan.
Sinisiguro ng Mangaldan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang pagdaragdag babala at safety signages sa kahabaan ng Biker’s Trail sa Angalacan River para magbigay-babala sa mga residente at sa mga dadayo sa lugar kaugnay sa paglangoy sa ilog at nang maiwasan ang iba pang insidente ng pagkalunod sa susunod.
Naging mas madali ang pagbibigay babala ng LGU sa pamamagitan ng Mangaldan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Lubos pa rin ang paghihinagpis ng pamilya ng mga biktimang nalunod mula Barangay Alitaya.
Personal naman na nakiramay at nagpaabot ng tulong-pinansyal ang lokal na pamahalaan ng Mangaldan sa pamilya ng dalawang binatilyong nasawi. | ifmnews
Facebook Comments