Magsasaka na Inabuso ang isang Menor de Edad, Nadakip

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang magsasaka matapos isilbi ng mga awtoridad ang kanyang warrant of arrest sa Kalinga.

Sa report ng Kalinga Police, ang akusado ay isang 37-anyos, binata at residente ng Pinukpuk, Kalinga at itinuturing na Top 7 Regional Top Most Wanted.

Dinakip ito matapos ipag-utos ni Presiding Judge Jerson Angog ng Regional Trial Court, Branch 25 para sa kasong Statutory Rape at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan nito at Acts of Lasciviousness in Relation to RA 7610 at may inirekomendang piyansa na Php200,000.00.

Nangyari ang ginawang krimen ng suspek noong may 2021 kung saan inakusahan ng sekswal na pagmamaltrato ang menor de edad nitong biktima sa loob ng bahay.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments