Pinag-aaralan na ng pamahalaan ang pagbibigay ng insentibo sa mga indibidwal na fully vaccinated na kontra COVID-19.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, ikinukunsidera ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagkakaloob ng insentibo para makapang hikayat sa publiko na magpabakuna na.
Ilan aniya sa posibleng insentibo na ibigay sa mga ito ay ang payagan silang lumabas ng bahay at paikliin ang quarantine period para sa mga bibyahe.
“We just hope that we move forward also as we get to vaccinate more, we start to reopen further, especially give the benefits doon sa mga nabakunahan na. We are saying that iyong nabakunahan na, sana may maramdaman din silang benepisyo. What do I mean? So iyong mga bawal ngayon, sana payagan na, nabakunahan na ng two doses, after one month, immune na sila,” ani Lopez.
Una nang pinaikli ng IATF sa pitong araw ang quarantine period ng mga fully vaccinated na inbound travelers mula sa dating 14 days.