Muling umarangkada ang pagbibigay ng kasanayan ng Pasig City Philippine National Police (PNP) sa mga barangay tanod ng lungsod kaugnay pagresponde sa isang krimen at pagpapatupad ng batas.
Ayon kay Pasig City PNP Chief Police Colonel Roman Arugay, mga civilian volunteer organization at mga barangay tanod ang dumalo sa nasabing training na ginawa sa Barangay Malinao Covered Court ng nasabing lungsod.
Ang mga barangay tanod at mga civilian volunteer organization ay mula sa Barangay Malinao, Bambang, Sta. Cruz, Sta. Rosa, Bagong Katipunan at San Jose.
Ang nasabing training ay sa ilalim ng “Barangay DANAO” Training o ang Defense Against Non-law Abiding residents and Organized criminals.
Kasama sa kanilang pinag-usapan ay tungkol sa Katarungang PamBarangay, ODEX elements of Crime Report Writing, Duties at Responsibilities ng barangay tanod.
Kabilang rin ang Local Government Code of 1991; PD 1508; Batas Pambansa No. 337; 1983 Local Government Code, Bawal Bastos” Act o RA 11313; EO No. 70, s 2018.